
Kilig ang hatid ng MAKA love team na sina Ashley Sarmiento at Marco Masa o AshCo sa kanilang bersyon ng hit song ng Up Dharma Down na "Tadhana."
Noong Biyernes, inilabas na ng MAKA LOVESTREAM ang recording video ng AshCo para sa "Tadhana," na maririnig na sa kanilang mga eksena sa "Ride to Forever."
Agad namang umani ng libo-libong likes at views ang recording video na ito ng AshCo.
Sa comments section, kinakiligan ng fans ang bersyon nina Ashley at Marco ng "Tadhana."
Patuloy na subaybayan sina Ashley at Marco bilang Aya at Rusty sa "Ride to Forever" ng MAKA LOVESTREAM tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG KILIG MOMENTS NG ASHCO SA GALLERY NA ITO: