
May sorpresang inihahanda ang AshCo para sa kanilang fans at MAKA LOVESTREAM viewers.
Noong Martes (October 7), ipinasilip ng MAKA LOVESTREAM ang ilang behind-the-scene photos nina Ashley Sarmiento at Marco Masa sa loob ng recording studio.
"May aabangan na naman tayo sa AshCo," caption ng MAKA LOVESTREAM sa post.
Huling nag-record ng awitin ang AshCo para sa MAKA OST na "Puwede Ba" na inilabas noong November 2024, na agad na umani ng million views.
Abangan ang bagong kilig song nina Ashley at Marco soon sa MAKA LOVESTREAM.
Abangan ang AshCo sa "Ride to Forever" ng MAKA LOVESTREAM, tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA ASHLEY SARMIENTO AT MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: