
Matapos ang Build and Balance Challenge sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, nakatanggap ang housemates ng isang big announcement mula kay Kuya.
Sa latest episode ng teleserye ng totoong buhay, anim na mga Kabataang Pinoy ang pinangalanan ng PBB host na si Bianca Gonzalez bilang mga bagong nominado.
Related gallery: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Ang Team True-pa na binubuo nina Joaquin Arce, Caprice Cayetano, Sofia Pablo, at Carmelle Collado ang inatasan ni Big Brother na pumili ng kanilang mga ililigtas mula sa nominasyon.
Para sa Kapamilya, ang kanilang pinili ay Lella Ford, habang sa Kapuso naman ay pinili nila si Princess Aliyah.
Kasunod nito, binanggit na ang mga pangalan nina Ashley Sarmiento (Kapuso), Clifford (Kapuso), Heath Jornales (Kapuso), Fred Moser (Kapamilya), Miguel Vergara (Kapamilya), at Krystal Mejes (Kapamilya), bilang mga nominado ngayong Linggo.
Sino kaya sa kanila ang magpapatuloy ng kanilang journey sa loob ng iconic house at sino naman kaya ang babalik na sa outside world?
Voting is now open at maaari nang iligtas ang iyong paboritong housemates.
Voting through Maya is now available and here's how you can join.
1. Download Maya application and sign up for free.
2. Log in to your account and make sure to cash in before voting.
3. Tap the Pinoy Big Brother or PBB icon
4. Vote or choose the housemate you want to save
5. Select denomination/amount and confirm your vote
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.