
Maliban sa kanyang MMFF film na Shake Rattle and Roll: Evil Origins, isa pang pinagkakaabalahan ni Ashley Ortega ay ang kanyang upcoming series.
Sa report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras noong Lunes, December 15, ibinahagi ng Sparkle artist na nagsimula na siyang mag-taping para sa kanyang serye na Apoy sa Dugo at magiging busy na siya sa trabaho hanggang sa susunod na taon.
“This year has been a great year for me,” saad ni Ashley.
Dagdag pa niya, “So, I feel like I want to end the year with working also with the people who loves me sa show. Gusto ko talaga ending the year with a lot of blessings as well. So, trabaho talaga 'yung goal ko this year.”
Kamakailan, ibinahagi rin ni Ashley sa Instagram ang kanyang bagong look para sa drama series, kung saan ay mayroon na siyang micro bangs.
“Who's ready for a new Ash? #ApoySaDugo,“ sulat niya sa caption.
Ipinahayag ni Ashley sa isang interview ng GMANetwork.com na “dream role” niya ang kanyang karakter sa serye.
Makakasama ni Ashley sa serye sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Pinky Amador, at Ricardo Cepeda.
Abangan ang Apoy sa Dugo, soon on GMA.
RELATED GALLERY: The sexiest looks of Ashley Ortega