
Patuloy na umaapaw ang blessings para kay Ashley Ortega ngayong simula ng taon dahil sa kaniyang upcoming series na Apoy sa Dugo at sa scented candle business na SINTA.
Ayon sa report ni Athena Imperial sa 24 Oras noong Lunes, January 5, masaya ang Sparkle artist sa kaniyang business venture kahit abala siya sa taping ng kaniyang bagong serye.
“Marami talaga akong mga candle collection. Mahilig talaga ako kasi ayun talaga 'yung time na I get to relax inside the house, inside my room. Mahilig talaga ako sa mga beauty and wellness,” sabi ng aktres.
Ibinahagi rin ni Ashley ang kaniyang excitement para sa kaniyang pagganap sa Apoy sa Dugo, lalo na sa kaniyang role na nangangailangan ng bagong look.
“Si Elle Villanueva at Derrick Monasterio, kasama ko rin si Ms. Pinky Amador at marami pang iba. Excited na talaga akong [mag-pagupit] lagi lang talagang nade-delay, so noong kina-cut na 'yung hair ko noong nagpa-bangs, I was really excited. Di ako kinabahan,” pahayag niya.
Unang ipinasilip ni Ashley ang kanyang micro bangs sa Instagram na may caption na, “Who's ready for a new Ash? #ApoySaDugo.”
Inamin din ng Apoy sa Dugo actress na ito ang kaniyang “dream role.”
“It's actually my dream role. Isa siyang psychopath, 'yung character na ipo-portray ko,” aniya.
Makakasama ni Ashley sa serye sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Thea Tolentino, Pinky Amador, Ricardo Cepeda, at marami pang iba.
Abangan ang Apoy sa Dugo simula March 2 sa GMA.
Panoorin ang buong panayam dito:
Samantala, tingnan dito ang iba pang celebrities na mayroon ding business venture: