GMA Logo Ashley Ortega
Photo source: 24 Oras, GMA Drama
What's Hot

Ashley Ortega, achieve ang pagiging kontrabida sa 'Apoy sa Dugo'

By Karen Juliane Crucillo
Published March 4, 2026 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michelin chef Fernando Alcalá leads new restaurant Singular Manila
House panel finds impeach raps vs Sara Duterte sufficient in substance
'Huwag Kang Titingin' cast, kinilabutan kaagad sa script at set ng horror film

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Agaw-pansin sa pilot episode ng 'Apoy sa Dugo' ang pagiging kontrabida ni Ashley Ortega.

Pinaramdam agad ni Ashley Ortega ang init na dulot ng kanyang karakter sa pilot episode ng Apoy sa Dugo na nagsimulang ipalabas noong March 2 sa GMA Afternoon Prime.

Sa report ni Athena Imperial sa 24 Oras nitong Martes, March 3, ibinahagi ng aktres na natuwa siya at naipakita niya ang pagiging kontrabida sa serye.

“From the presentation na shooting down pa lang papunta sa face is something cinematic talaga. So, happy ako sa introduction ng character ko,” sabi ni Ashley.

Ikinuwento rin niya na kahit wala pa siyang linya sa pilot episode, gusto niyang maiparamdam sa viewers at fans ang kanyang karakter.

“'Yung goal ko talaga, kahit wala pa akong lines, parang alam na ng tao 'yung aura and vibes ni Angel,” pahayag niya.

Si Ashley ay gumaganap bilang Angel Sangalang, na kapatid ni Elle Villanueva sa serye.

Humakot din ng positibong feedback ang pilot episode ng Apoy sa Dugo, at humigit-kumulang isang milyon na views ito online.

Patuloy na tutukan ang Apoy sa Dugo mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Ashley Ortega shares behind-the-scenes moments from 'Apoy sa Dugo' set