
Muling magkakasama ang mga aktres na sina Ashley Ortega at Amy Austria sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Matapos gumanap na mag-ina sa GMA Telebabad series na Hearts on Ice, muli silang gaganap na mag-ina sa bagong episode ng #MPK na pinamagatang "I Am Not My Mother."
Si Ashley ay si Zari, habang si Amy naman ang nanay niyang si Melba.
Pinalaki si Zari ng lola niyang si Saning (Lui Manansala). Mahina kasi si Melba laban sa iresponsable at babaerong asawa niyang si Arjan (Neil Ryan Sese).
Aabot pa sa puntong dadalhin ni Arjan sina Melba at Zari sa bahay ng kabit niyang si Nancy (Crystal Paras) para dito makitira.
Dahil dito, ipapangako ni Zari sa kanyang sarili na hindi siya kailanman matutulad sa kanyang ina.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand new episode na "I Am Not My Mother," December 9, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.