
Isa ang cheating sa mga itinuturong rason kung bakit madalas naghihiwalay ang isang couple. At para sa Apoy sa Dugo stars na sina Ashley Ortega at Elle Villanueva, ito ay isang bagay na mahirap patawarin.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, May 25, inamin ni Ashley na hindi pa niya kailanman naranasan ang cheating kahit sa past relationships niya.
Kaya naman, pag-amin ng aktres, “Honestly, kunyari, 'wag naman sana, if Mavy would cheat, I honestly don't know if I can forgive him or hindi ko na siya mapapatawad. Kasi hindi ko pa siya na-experience so I don't know that pain yet.”
Sabi ni Ashley, grateful naman siya na hindi pa siya nakaranas ng cheating at hiling niya, sana, hindi na niya ito maranasan.
Kung si Ashley, hindi pa naranasan ang cheating, kabaligtaran naman ito ng karanasan ni Elle. Sabi kasi ng aktres, halos lahat ng past relationship niya, nagtapos dahil sa cheating.
Kaya para sagutin ang tanong ni King of Talk Boy Abunda kung mapapatawad ba niya ang boyfriend na nahuli niyang nag-cheat, “No. Plain and simple, Tito Boy, kasi I've been into relationships na lahat nag-cheat so ayoko na and once may cheating, bye na ako.”
BALIKAN ANG REAKSYON NG CELEBRITIES AT PERSONALITIES SA ISANG CHEATING ALLEGATION SA GALLERY NA ITO:
Sa ngayon ay masaya ang dalawang aktres sa kani-kanilang mga relationship. Si Ashley, magdadalawang taon nang boyfriend si Mavy Legaspi, habang si Elle naman ay mag-aapat na taon nang boyfriend si Derrick Monasterio.
Aminado naman ang dalawa na minsan ay may apoy sa kani-kanilang mga relasyon, at minsan naman ay wala. Pero para sa mga aktres, ayos lang ito.
“Ang priority namin, mas grounding 'yung relationship namin, hindi 'yung performative. Mas gusto naming nag-uusap kami, pinag-uusapan namin. Secondary na lang 'yung apoy,” sabi ni Elle.
Para naman kay Ashley, “It's also nice na may kaniya-kaniya kaming ginagawa para dumating 'yung time na mami-miss namin 'yung isa't isa. I mean, ayoko rin naman 'yung clingy 24/7, ayoko ng ganu'n, e. Gusto ko may time siya for himself, may time ako for myself that after we do our own thing, that's where we 'Uy, I miss you, hon.' ganu'n.”
Panoorin ang panayam kina Ashley at Elle rito: