GMA Logo Ashley Ortega, Elle Villanueva
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Ashley Ortega at Elle Villanueva, sinagot ang iba't ibang relationship issues

By Kristian Eric Javier
Published May 26, 2026 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE UPDATES: Alex Eala vs Iva Jovic at the French Open Round of 128
Councilman shot dead in Zamboanga Sibugay
BTS wins Artist of the Year at AMAs 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega, Elle Villanueva


Nagbigay ng kanilang mga opinyon sina Ashley Ortega at Elle Villanueva tungkol sa iba't ibang isyu na kinakaharap ng mag-nobyo.

Bilang mga kababaihan na nasa isang relasyon, ibinahagi nina Apoy sa Dugo stars Ashley Ortega at Elle Villanueva ang kanilang saloobin tungkol sa iba't ibang isyu na kinakaharap madalas ng magnobyo sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, May 25.

Isa sa mga una nilang tinalakay ay kung dapat pa bang pag-usapan ang exes kung nasa isang relasyon na kayo. Para kay Ashley, normal lang naman iyon kung nasa getting-to-know stage pa lang sila ng boyfriend na niya ngayon na si Mavy Legaspi.

Pero paglilinaw ng aktres, “Nu'ng naging kami na, we don't really talk about our exes anymore. Hindi naman sa pinagbabawal ko na 'O, let's not talk about our ex anymore.' It's just that we don't talk about it anymore.”

Gaya ni Ashley, ma-interview din umano si Elle sa kanyang boyfriend-to-be at sinabing inaalam niya lahat mula sa past relationship nito.

“Kahit na parang ang iffy sa 'kin pakinggan 'yung mga nangyayari sa kanila, siyempre, may maririnig kang hindi mo gusto, gusto kong malaman para alam ko rin 'yung ma-e-experience ko sa kanya, ano 'yung puwede kong iwasan, 'yung puwede naming pag-usapan,” sabi ni Elle.

Dagdag pa ng aktres, hindi naman issue sa kanya ang past. Ang importante sa kanya ay may tiwala sila ng kanyang soon-to-be-boyfriend sa isa't isa.

BALIKAN ANG VALENTINE'S DAY CELEBRATION NG ILANG COUPLES SA GALLERY NA ITO:

Aminado naman si Elle na kontrobersyal nga ang isyu ng hatian ng magkarelasyon sa mga gastusin. At para sa aktres, hindi naman dapat nagbibilangan ang magkarelasyon.

“Para sa 'kin, Tito Boy, tulungan. Kung wala siyang pera ngayon, ako muna, sige. Pero siyempre, masarap sa pakiramdam na sinu-spoil ka, princess,” sabi ni Elle.

Pagbabahagi naman ni Ashley, swerte siya kay Mavy dahil kahit kailan, hindi umano siya pinapagastos ng kahit ano, kahit sa recent Japan trip nila.

Pero sa upcoming Bangkok trip nila, sabi ni Ashley, “I offered na ako naman ang magbayad sa hotel. Kaya naman niya. It's just that, of course, gusto kong may ambag din ako sa kanya.”

Pareho namang sang-ayon sina Elle at Ashley na mag-live-in muna ang dalawang magkarelasyon bago ikasal. Para sa dalawang aktres, paraan ito para mas makilala nila ang kanilang boyfriend kung papaano ito sa bahay.

“Lalo na when I started living alone, it changed my life. So talagang gusto kong malaman kung sino ba 'yung taong mapapangasawa ko sa household,” pagbabahagi ni Ashley.

Panoorin ang panayam kina Ashley at Elle dito: