
Bago pa lamang sa industriya ang tambalan nina Ashley Ortega at Enrico Cuenca pero ilang magkakasunod na projects na ang ibinigay sa kanila.
Simula nang bumida ang dalawa sa isang viral fast food ad campaign ay naging mas visible na ang tambalan nina Ashley at Enrico. Bukod sa gabi-gabi silang napapanood sa Super Ma'am, mapapanood din ang dalawa ngayong November 1 sa isang Halloween movie, ang Spirit of the Glass 2: The Haunted.
Ayon kay Ashley, isang blessing na maituturing na mapabilang sa pelikulang ito.
Aniya, "Hindi namin ini-expect na magiging part kami ng mainstream na movie but right now, I'm super grateful."
WATCH: Benjamin Alves, Ash Ortega, Enrico Cuenca, napasigaw sa 'Spirit of the Glass 2: The Haunted!'
LOOK: Kapuso stars in the 'Spirit of the Glass 2' press conference
Para naman kay Enrico ay maganda itong learning experience sa katulad niya na baguhan sa industriya.
"Super grateful, super fortunate. Pero for me it's a valuable learning experience. Kasi I spent a lot of time with my co-actors on set and si Direk (Jose Javier Reyes) ang dami kong natutunan sa kanila up to now."
Mapapanood rin ang Kapuso stars na sina Benjamin Alves, Janine Gutierrez at Teri Malvar sa Spirit of the Glass 2: The Haunted.