GMA Logo Ashley Ortega at Faith Da Silva
Photo source: ashleyortega (IG), faithdasilva_ (IG)
What's on TV

Ashley Ortega at Faith Da Silva, nagkaroon ng alitan?

By Karen Juliane Crucillo
Published February 8, 2026 1:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LOOK: EJ Obiena celebrates first Asian Indoor gold
TikTok star Nurse John announces 'The Short-staffed Asia Tour'
Basyang rains exceed rare 100-year level in Northern Mindanao — PAGASA

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega at Faith Da Silva


Ano nga ba ang namagitan kina Ashley Ortega at Faith Da Silva?

Matapang na sinagot ni Ashley Ortega kung sino ang mga nakaalitan niya sa showbiz sa Executive Whisper segment ng Your Honor noong Sabado, February 7.

Piniling hindi ibulong ni Ashley ang pangalan ni Faith Da Silva dahil hindi naman malala ang naging away nila at magkasundo na sila ngayon.

“Sasabihin ko 'yung pangalan niya kasi napag-usapan na rin naman namin. Okay na rin kami ngayon. Si Faith Da Silva,” buking ng aktres.

“Alam mo, sobrang love ko 'yan si Faith kasi noong mga bagets kami, may mga teenage days talaga. Kaya lang naman nagkaroon ng beef kasi 'yung ex ko parang naka-date niya,” kuwento niya.

Ibinahagi ng Apoy sa Dugo star na naisip niya noon na walang “girl code” si Faith kaya nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

“Tapos parang I think after four years, nagkasama kami sa workshop tapos siya, na-appreciate ko siya. Siya 'yung lumapit sa akin tapos sabi niya 'Ash, sorry sa mga nangyari before and everything' kasi hindi kami nagpapansinan noon e, after that happened parang kapag nand'yan siya, kapag nagkikita kami sa GMA kumbaga may wall,” dagdag niya.

Ngayong okay na sila, ikinuwento ni Ashley na mas naging close pa sila nang nagkasama sila sa Sparkle 10.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Subaybayan si Faith Da Silva sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Samantala, mapapanood si Ashley sa upcoming GMA Afternoon Prime series Apoy sa Dugo simula March 2. Makakasama niya sa serye sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Thea Tolentino, Pinky Amador, at Ricardo Cepeda.

RELATED GALLERY: Ashley Ortega serves picture-perfect beauty in Thailand