GMA Logo Ashley Ortega and Mavy Legaspi trip to Japan
Photo source: 24 Oras, ashleyortega (IG)
Celebrity Life

Ashley Ortega at Mavy Legaspi, excited na sa kanilang first out-of-the-country trip sa Japan

By Karen Juliane Crucillo
Published February 1, 2026 10:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI ready to facilitate Zaldy Co return, seeks DOJ guidance for next actions
Popular chocolate hazelnut spread introduces new flavor after over 60 years
CALABARZON tops 2026 NSPC followed by NCR, Region II

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega and Mavy Legaspi trip to Japan


Handa na sina Ashley Ortega at Mavy Legaspi sa kanilang kauna-unahang international trip sa Japan sa April.

Abala man sa kani-kanilang mga proyekto, hindi pa rin nakakalimutan nina Ashley Ortega at Mavy Legaspi na maglaan ng quality time, lalo na't may paparating silang international trip.

Sa report ni Athena Imperial sa 24 Oras noong Sabado, January 31, ibinahagi ng Apoy sa Dugo actress na tutungo sila ni Mavy sa Japan sa April, pagkatapos ng kanilang busy schedules, para sa kanilang kauna-unahang out-of-the-country trip.

“Mag-o-Osaka kami, so work mode muna para pagdating ng April, vacation mode,” sabi ng aktres.

Binanggit din ni Ashley na mamamasyal sila ni Mavy sa Sakura habang nasa Japan.

Bago sila magtungo sa Japan, magkasama muna sa trabaho sina Ashley at Mavy sa Hating Kapatid. Lumabas si Ashley sa Hating Kapatid bilang karakter niya na si Angel sa isa pang upcoming GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo.

Mayroong eksena si Ashley at Mavy bilang Tyrone sa serye.

Ibinahagi ni Ashley na mas nakilala niya si Mavy bilang aktor sa kanilang unang pagsasama sa trabaho.

“Noong pagbalik ko ng Bangkok, doon pa lang ako sinabihan na 'Oh my gosh na mage-guest ako sa 'Hating Kapatid.' Sa set, mas nakilala ko 'yung work mode side ni Mavy as an actor,” kuwento niya.

Mapapanood si Ashley Ortega sa Apoy sa Dugo simula March 2. Makakasama ng Sparkle artist sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Thea Tolentino, Pinky Amador, at Ricardo Cepeda.

Panoorin ang buong balita dito:

RELATED GALLERY: Ashley Ortega and Mavy Legaspi are happy and in love in their sweetest photos