GMA Logo Ashley Ortega, Mavy Legaspi
source: ashleyortega/IG
What's on TV

Ashley Ortega at Mavy Legaspi, mas pinagtutuunan ng pansin ang kanilang future

By Kristian Eric Javier
Published September 27, 2025 10:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Golden Globes 2026: Hollywood film and TV stars take the red carpet, 'Heated Rivalry' stars turn heads
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega, Mavy Legaspi


Sa kabila ng kontrobersiya, hindi nagpaapekto si Ashley Ortega sa dating relationship ni Mavy Legaspi.

Hindi nagpaapekto si Sparkle 10 star Ashley Ortega sa kontrobersyal na breakup ng boyfriend na si Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Sa katunayan, mas nakatuon sila ngayon ng aktor sa kanilang future.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, September 26, kinumusta ni King of Talk Boy Abunda ang relasyon nina Ashley at Mavy. Dito, tinanong ng batikang host ang aktres, “Wala ka bang pangamba na he came from a controversial breakup? Wala kang takot?”

Tugon ni Ashley, “Wala naman po, Tito Boy, hindi po talaga ako nakaramdam ng takot.”

Aware naman umano si Ashley sa naging relasyon nina Mavy at Kyline, at sa kontrobersiya na hatid ng kanilang paghihiwalay. Ngunit ayon sa kaniya, kung ano man ang naging problema ng dalawa ay sila na lang ang bahala roon.

“Parang I don't wanna join already, and deadma na lang kasi talaga ako, Tito Boy. Parang whatever problem was in the past, let's just keep them in the past,” sabi ni Ashley.

Saad pa ng aktres, “'Yung sa'min ni Mavy, when he was courting me, we were focusing on each other and of course, focusing sa future na pangyayari. Hindi na namin binabalikan 'yung past.”

Nilinaw rin ni Ashley na okay naman sila ni Kyline. Hindi man sila close friends ay nagbabatian naman sila tuwing nagkakasalubong sa GMA Network building, o sa mga events tulad ng nagdaang GMA Gala.

“Like sa Gala, nag-hi kami, nagkumustahan. Kasi magkatabi sila ni Barbie (Forteza) that time, e birthday rin ni Barbie nu'n so I greeted Barbie and nagkamustahan,” sabi ni Ashley.

Sa pagtatapos ng episode, pabirong tinanong din ng batikang host si Ashley kung kailan ito magpapakasal. Ayon sa aktres, hindi pa nila naiisip iyon ni Mavy.

Para sagutin naman ang tanong ni Boy kung ano ang best thing tungkol sa kaniyang boyfriend, saad ni Ashley, “Lahat naman, Tito Boy. His bad side, his good side, I just love everything about, I accept him for who he is.”

BALIKAN ANG ILANG LITRATO NINA ASHLEY AT MAVY NA PUNO NG GLAMOUR AT ROMANCE SA GALLERY NA ITO: