
Sa nalalapit na finale episode ng Tadhana: Ang Pagtatapos, kabi-kabilang aksidente ang nangyayari sa eskwelahan nina Lucy at Helen.
Natagpuang walang malay sina Carl at Natty sa school laboratory habang duguan naman si Zen nang makita siya sa hagdan ng kanilang campus. Ang sinisisi sa sunod-sunod na insidente -- si Lucy!
Siya nga ba ang tunay na salarin sa nangyayaring kaguluhan? O ginagamit lang siya upang pagtakpan ang totoo nitong pagkatao?
Abangan ang natatanging pagganap nina Ashley Ortega, Pauline Mendoza, Radson Flores, Rere Madrid, Shuvee Etrata, Jenine Desiderio, Eya Borja, Seb Pajarillo, Boogie Bugayong, Gino Ilustre, at Marnie Lapus.
Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kuwento ng Tadhana: Ang Pagtatapos Part 2, ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube channel.