
Umani ng papuri bilang mga kontrabida sina Ashley Ortega at Pinky Amador sa Apoy sa Dugo.
Sa panayam nila sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Martes, March 24, ibinahagi nila ang kanilang ginawang paghahanda para sa kanilang mga karakter.
"Sobrang daming process na pinaghandaan, kami ng mga writers at saka ng director. Talagang nag-collaborate kami, “ kuwento ni Ashley tungkol sa kanyang karakter bilang Angel.
Dagdag pa niya, “We talked to a psychiatrist, to a doctor, kung ano dapat 'yung personality disorder niya.”
Ikinuwento ng aktres na nanood din siya ng maraming pelikula at serye na psychological para makakuha ng inspirasyon sa kanyang karakter.
Para mas ma-achieve ang kanyang pagiging kontrabida, iniba rin ni Ashley ang kanyang look.
“Even yung look ko talaga, I wanted to make sure kasi na parang siyempre, alam nila antagonist 'yung role ko dito, like kontrabida, like how can I stand out if they put me in a room full of kontrabida,” aniya.
“Physically, I changed my look also kaya nagpa-micro bangs,” dagdag niya.
Nabasa rin ni Ashley ang ilang komento na naging panget ang mukha niya sa micro bangs. Ngunit, sabi niya na, “That's the point. That's the goal.”
“Because sa character ko, she has to look weird and to look unstable,” paliwanag niya.
Dagdag ng aktres na kaya siya nagpa-micro bangs ay para mawala ang kanyang pagka-soft girl sa totoong buhay.
Dumaan din si Ashley sa matinding research tungkol sa personality disorder ni Angel.
"Gusto ko kasi si Angel, may pinanggagalingan,” pahayag niya.
Ibinahagi ni Ashley na gusto niyang mahalin ang kanyang karakter bilang kontrabida.
Samantala, nagpapasalamat naman si Pinky dahil minahal muli ang kanyang karakter bilang Sylvia matapos ang kanyang role bilang Moira sa hit afternoon series na Abot Kamay na Pangarap.
“So, I am very very thankful for that. Of course, now the challenge is how to make it different. Diba, like how to make Sylvia different from Moira,” sabi niya.
Abangan ang mas matitindi pang eksena sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Ashley Ortega shares behind-the-scenes moments from 'Apoy sa Dugo' set