
Hatid nina Ashley Ortega at Rob Gomez ang abot-langit na kilig sa bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Angel on My Shoulder," gaganap si Ashley bilang Aileen, isang guardian angel. Si Rob naman ay si Maki, hopeless romantic na naghahanap ng pag-ibig online.
Ipapadala sa lupa si Aileen at makakabalik lang siya sa heaven kapag natuto na niyang unawain ang mga taong binabantayan niya.
Swerte namang makikilala niya si Maki at patutuluyin pa siya nito sa kanilang tirahan. Bibigyan din ni Maki ng trabaho si Aileen sa kanilang maliit na tapsihan.
Si Maki na ba ang susi sa pagbabalik ni Aileen sa langit?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Angel on My Shoulder," November 10, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.