
Magtatambal ang Kapuso stars na sina Ashley Ortega at Royce Cabrera sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Furr-ever Yours," gaganap sila bilang Mia at Josh, ex-lovers na fresh pa sa kanilang break up.
Sa pagtatapos ng kanilang relasyon, may isang mahalagang bagay na hindi nila mapaghatian--ang alaga nilang aso na si Ogie.
Bilang solusyon, magkakaroon sila ng joint custody sa kanilang fur baby. Kahit break na sila, magtutulungan pa rin sila sa pag-aalaga kay Ogie.
Paano makakapag-move on sina Mia at Josh kung lagi silang pinagtatagpo ni Ogie?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "Furr-ever Yours," October 12, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.