
Aliw na aliw ang Your Honor hosts na sina Chariz Solomon at Buboy Villar sa resource person nila na si Ashley Ortega na sumalang nitong Sabado, February 7.
Ipinatawag ang former Pinoy Big Brother housemate para sa session na tinawag 'In Aid of Adulting: Signs na Hindi ka na Bata. Shookt si Ashley Ortega' at dito naikuwento niya ang buhay nila ng kaibigan na si Shuvee Etrata.
Sa mga hindi nakakaalam, real-life housemate sina Ashley at Shuvee na lumipat sa bago nilang place last year. Ipinasilip pa ni Shuvee ang kanilang new house sa broadcaster na si Karen Davila.
Pero, aminado si Ashley na hindi naging madali ang buhay nila ni Shuvee dahil pati ang gawaing bahay ay responsibilidad lalo na wala rin silang helper.
“Siguro naging busy lang kami ni Shuvee, wala kasi kaming helper. Kaya nga sometimes, gusto ko na lang na sana may cook, pero wala. Hindi na rin namin naluluto lahat ng pagkain, parang on the go talaga, kasi kami lagi. So 'yun 'yung mahirap, I'm still in the process na to figure things out na 'yung sa food.”
Tanong ni Madam Cha sa kanilang special guest, “Yung paglilinis ng bahay. Paano toka n'yo ni Shuvee?”
“Actually, 'yan I clean my own underwear, bra. 'Yung laundry, may laundry na malapit. Ako, naglilinis ako. Si Shuvee [Etrata] love ko si Shuvee, tanggap ko na talaga na burara siya at makalat siyang tao.” Natatawang sinabi ni Ash. “Hindi, totoo talaga! Du'n kami nag-aaway.”
RELATED CONTENT: Shuvee Etrata and Ashley Ortega move into their new home!
Ibinahagi rin ni Ashley ang naging buhay nila matapos ang PBB at sa dami nilang trabaho at commitments ay naging challenge na rin ang paggawa ng household chores.
Pagbabalik tanaw ng versatile actress, “Nagkaroon na kami ng one major fight pa lang nung nandu'n kami sa San Juan nung nasa condo kami, hindi kami nag-aaway dun, e. Parang, three BR (bedroom) yun. Isang room sa kaniya, isang room sa akin, tapos isang room ginawa namin walk-in closet. Eto 'yung pa before PBB, nung after PBB kasi nagtuloy-tuloy 'yung work namin. Tapos, parang bigla na lang dumami [yung gamit], 'yung condo namin parang naging warehouse ganun.”
Nag-suggest tuloy si Ashley kay Shuvee na kailangan na nilang lumipat ng bahay dahil sa dami na nilang gamit.
May funny kuwento naman ang Kapuso actress tungkol sa naging agreement nil ani Shuvee kung saan floor sila titira sa kanilang new place.
“Tapos, wala pa kaming helper 'tapos umuuwi kami madaling araw, so, tambak na lang 'yung mga gamit. Tapos, sabi ko, 'Shocks! I can't have a peaceful moment if uuwi ako ng bahay tapos parang bodega.' So, sabi ko babe [Shuvee] let's transfer into a new place. And then 'yun nga, may kaniya-kaniyang floor na kami. So sabi ko sa floor niya, magkalat siya dun ng lahat ng kalat. Hindi ko siya papakialaman, kaya siya du'n sa pinakataas actually para hindi ko makita 'yung mga kalat niya.Pero make sure sa living and sa dining malinis.”
embed:
ID: 233 73
The sparkling career highlights of Ashley Ortega