GMA Logo Ashley Ortega
Courtesy: ashleyortega (IG)
What's Hot

Ashley Ortega, bakit hinahangaan sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'?

By EJ Chua
Published March 21, 2025 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippine FDI net inflows down 25.8% to $320M in September 2025 —BSP
GMA Network Recognized with ECODEB Model Business Organization Award
Laborer hacked to death in Davao Occidental

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Tila maraming 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' viewers ang nakaka-relate sa istorya ni Ashley Ortega.

Pinag-uusapan ngayon online ang previous scenes at mga kaganapan sa buhay ni Ashley Ortega sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Kabilang na sa mga ito ang lungkot na naramdaman ni Ashley sa magkasunod na pag-alis ng dalawang taong malapit sa kaniyang puso na sina Mavy Legaspi at Ivana Alawi.

Kasabay nito, naging topic din ng viewers ang sinabi ng isang housemate tungkol sa umano'y pagiging fake niya sa loob ng Bahay ni Kuya, na tila hindi sinang-ayunan ng kaniyang fans.

Matatandaan na minsan nang ikinuwento ni Ashley sa kaniyang housemates na hirap siyang magtiwala sa ibang tao dahil sa kaniyang past experiences, bagay na tila marami ang naka-relate.

Ayon sa ilang netizens, valid ang rason ng Sparkle star tungkol sa pagbibigay ng tiwala lalo na't hindi pa talaga malalim ang pagkakakilanlan ng housemates sa isa't isa.

Marami rin ang humanga sa kaniya dahil kahit hirap siya sa pagtitiwala ay patuloy siyang naga-adjust sa pakikisama sa lahat ng kaniyang nakakasalamuha.

Narito ang reaksyon ng viewers at netizens tungkol kay Ashley:

Samantala, si Ashley ay kilala ngayon sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang Tis-ice Princess ng San Juan.

Huwag palampasin ang susunod na challenges na matatanggap ng housemates mula kay Big Brother.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.