
Muling magbabalik sa telebisyon si Ashley Ortega para sa kanyang bagong drama series na Apoy sa Dugo.
Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Lunes, October 13, ibinahagi ng ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na nasimulan na niya ang kanyang taping para sa bagong drama psychological series, na pagbibidahan niya kasama sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at Thea Tolentino.
“I am so excited for our show kasi it's a story na hindi pa masyado nata-tackle lagi,” sabi ni Ashley.
Masaya raw ang aktres dahil unique ang istorya ng drama series.
Dagdag pa niya, “It's about mental illness e kasi psychological siya.”
Makakasama rin ni Ashley sina Pinky Amador, Ricardo Cepeda, at Althea Ablan sa kaabang abang na series.
Ipinakilala ang cast ng Apoy sa Dugo sa isang story conference noong August 5 sa GMA Network Center building.
Panoorin ang buong balita dito:
Samantala, silipin dito ang nagdaang storycon ng Apoy sa Dugo: