
Napanood na si Ashley Ortega bilang Angel sa GMA Afternoon Prime series na Hating Kapatid, na pinagbibidahan ng Legaspi family.
Ang role ng aktres ay ang karakter niya sa upcoming series na Apoy Sa Dugo.
Sa Q&A video nina Ashley at ng kanyang nobyong si Mavy Legaspi, na gumaganap bilang Tyrone, ibinahagi ng una ang kanyang karanasan sa taping ng Hating Kapatid.
"Masaya naman. Actually, 'yung production kasi nila sa Hating Kapatid is my production sa Apoy sa Dugo. So, parang feel at home ako," ani Ashley.
Nakatutuwa pang dagdag niya, "At siyempre, kasama rin kita."
Nagkuwento rin si Ashley tungkol sa kanyang experience na makatrabaho ang kanyang boyfriend sa unang pagkakataon.
Aniya, "First time ko siyang maka-work ever. Even before noong hindi pa kami, never kong naka-work si Mavy. So, it's is my first time working with him. 'Tapos, mabibigat pa 'yung mga eksena namin."
Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras kamakailan, ikinuwento ni Ashley na nakaramdam siya ng kaba at awkwardness sa una nang makatrabaho si Mavy sa Hating Kapatid.
"Una, may kaunting awkwardness 'tapos, medyo kinabahan din ako kasi first time naming magka-work. Pero habang tumatagal naman, nagiging okay na. And of course. working with someone you love, it makes you feel like home," pagbabahagi niya.
Panoorin ang Q&A online exclusive video nina Mavy Legaspi at Ashley Ortega sa video sa ibaba.
Subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Related content: Stellar cast ng Hating Kapatid ipinakilala sa media conference: