
Ngayong patapos na ang taon, mananatiling memorable para kay Ashley Ortega ang taong 2025.
Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Lunes (December 22), ibinahagi ng aktres sa kanyang surprise birthday party na inihanda ng kanyang fans para sa kanyang 27th birthday, na puno ng blessings at achievements ang kanyang 2025.
“Honestly, ang hirap i-let go na magte-twenty seven na ako. I feel like I want to stay 26 forever because sobrang daming blessings na nangyari sa buhay ko and sobrang grabe 'yung pivotal moments sa life ko,” sabi ni Ashley.
Dagdag pa niya, “I feel like 26 changed my life for the best.”
Kasabay ng kanyang birthday ang holiday season, kaya naman excited ang Apoy sa Dugo actress na matanggap ang kanyang regalo mula sa kanyang boyfriend at fellow Sparkle artist na si Mavy Legaspi.
“Excited ako sa gift ni Mavy, but I don't know yet. Pero actually, natutuwa nga ako kasi last year, since syempre 'yung birthday ko after Christmas, dalawa talaga 'yung binibigay niya sa aking gift kasi sanay ako na isa lang 'yung binibigay sa akin ng tao kapag Christmas and pang-birthday pero him, laging separate 'yung Christmas and birthday gift ko pero hindi ko pa alam,” kuwento niya.
Sa kanyang birthday, isa lang ang tanging hiling ng aktres dahil puno na siya ng pasasalamat ngayong taon.
“Sana matapos 'yung korapsyon,” pahayag niya.
“I couldn't ask for more kasi talagang this year, sobrang daming blessings, dami kong blessing na na-achieve and sana next year, si Lord na ang bahala kung anumang blessing ang ibigay niya sa akin, kung anumang birthday gift ibigay niya sa akin. I trust Him.”
“Wala na akong mahihiling pa e kasi talagang sobrang best year ko 'tong 2025,” dagdag ng aktres.
Mapapanood si Ashley sa upcoming psychological drama series na Apoy sa Dugo, kung saan makakasama niya sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Thea Tolentino, Pinky Amador, at Ricardo Cepeda.
Bida rin siya sa 2025 MMFF horror film na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, na mapapanood na simula December 25.
Panoorin dito ang buong panayam ni Ashley:
RELATED GALLERY: The many Instagram-worthy poses of Ashley Ortega