GMA Logo Ashley Ortega in Hangout
What's on TV

Ashley Ortega, handang ma-challenge para sa kaniyang dream role

By Maine Aquino
Published April 15, 2021 10:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Hussein Loraña, Naomi Marjorie Cesar rule athletics' 800m events at 2025 SEA Games
Baste Duterte slams opening of unfinished road project
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega in Hangout


Alamin kung ano ang role na handang tanggapin ni Ashley Ortega para patunayan ang kaniyang kakayahan bilang aktres.

Ibinahagi ni Ashley Ortega na marami siyang dream roles simula nang pumasok siya sa showbiz. Pero may isang role na handa siyang gawin ngayon para ma-challenge siya bilang isang aktres.

Sa episode ng Hangout last April 13, muling binalikan ni Ashley ang kaniyang dream roles noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Kuwento ni Ashley, "Actually marami e. Before pinaka unang dream role ko kasi is 'yung maging mermaid, maging sirena. So 'yun 'yung unang naging dream role ko noong kakapasok ko pa lang sa showbiz.

Ash Ortega

Photo source: @ashleyortega

Dahil sa isa ring figure skater si Ashley, nais niya rin noon na magkaroon ng figure skater na role.

"Then nag-change ako ng dream role. Gusto ko magkaroon ng teleserye na nagfi-figure skating ako. Kasi dati nag-figure skate ako. So pangarap ko 'yun parang ice princess, ice castle na theme ng teleserye."

Ngayon naman ay naiiba na muli ang pinapangarap na role ng Kapuso star. Gusto niya na ngayon magkaroon ng role na tulad ng ginampanan ni Jennylyn Mercado sa seryeng Rhodora X. Si Jennylyn ay gumanap sa role na mayroong Dissociative Identity Disorder (DID) sa programa.

"Ngayon dream role ko, gusto ko 'yung may split personality, 'yung parang iba-iba. Bida ako, kontrabida, 'yung split personality parang Rhodora X... dream ko 'yun."

Ayon kay Ashley nais niya itong gawin para ma-challenge ang kaniyang kakayahan bilang aktres.

"Para ma-challenge ko 'yung sarili ko bilang isang actress, 'di ba? Gusto ko 'yung masi-stress 'yung brain ko. Lagi na lang kontrabida, bida, at least pag ganon, nakaka-pressure."

Panoorin si Ashley at ang kaniyang fans sa Hangout:

Related content:

Ashley Ortega tells story behind her new loungewear business

Arra San Agustin, Jak Roberto, and Ashley Ortega to star in 'My Fantastic Pag-ibig: Trophy Girl'