
“Oo naman. Actually, Tito Boy, of course, I would want him to be my last.”
Iyan ang naging sagot ni Ashley Ortega nang tanungin siya ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang magiging reaksyon sakaling ayain na siyang magpakasal ng boyfriend niyang si Mavy Legaspi. Ngunit paglilinaw ng Apoy sa Dugo star, sana, in the future pa.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 24, ibinahagi ni Ashley na bago pa man maging sila ni Mavy, sinabi na niya sa aktor na pagkatapos ng huling breakup niya, ang susunod sana na boyfriend ay ang magiging huli niya.
“But again, anything can happen, ayoko rin naman magsalita ng tapos so let's just see. I hope it's him. I hope and pray it's him because ang hirap din naman na ma-heartbroken ka ulit, back to zero ka ulit. Of course, I hope it's him,” sabi ni Ashley.
Para naman sa co-star niyang si Pinky Amador, “perfect match” na sina Ashley at Mavy dahil kahit hindi pa niya nakikilala ng husto ang aktor, kilala niya ang pamilyang pinanggalingan nito.
Sa loob ng mahigit isang taon na relasyon nila ni Mavy, mas lumalim na ang kanilang relasyon. At kahit sandali pa lang ito, pakiramdam umano ng aktres ay apat hanggang limang taon na silang mag-boyfriend-girlfriend.
“Alam mo 'yung parang sobrang familiar na namin sa isa't isa and parang tapos na rin 'yung honeymoon stage na from time to time, mag-a-update kayo sa isa't isa. Kami, I just let him. Like kanina, nag-golf siya, tapos nag-text na lang ulit siya sa 'kin after niyang mag-golf, after like four hours. Hindi ko na siya pinakealamanan, 'What's happening there?' I just let him enjoy,” sabi ni Ashley.
Ganu'n din ang aktres kay Mavy na nag-a-update kung saan siya magpupunta, lalo na kung hindi sila magkasama.
Obserbasyon naman ni Pinky, “I think that's very mature for that age. You have to remember, Mavy's younger pa than her.”
TINGNAN ANG ILAN SA SWEETEST PHOTOS NINA MAVY AT ASHLEY SA GALLERY NA ITO:
Ibinahagi rin ni Ashley na mas lumalim na ang relasyon niya sa pamilya ni Mavy na sina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, at lalong-lalo na kay Cassy Legaspi.
“I just love Cassy like she's my sister already. Every time nasa abroad ako, alam mo naiisip ko siya na kailangan may pasalubong ako pauwi sa kaniya, and kay Tita Carmina and Tito Zoren also. My relationship with them has naging deeper na rin talaga,” sabi ng aktres.