
Inulan ng papuri si Ashley Ortega sa kanyang pagganap bilang Angel sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo.
Sa isang recent episode ng serye, kung saan tuluyan nang nakitira si Ashley sa bahay ng kanyang ate na si Vanessa (Elle Villanueva), napansin ng netizens ang husay ni Ashley sa pagiging kontrabida.
Pinuri rin siya ng mga manonood dahil bagay sa kanya ang ganitong klaseng karakter, kung saan naipakita ng Sparkle artist ang pagiging nakakatakot at “unhinged.”
Sa isang exclusive interview ng GMA Network.com, ibinahagi ni Ashley na ang pagganap niya bilang Angel ay ang kanyang “dream role.”
Pinaghandaan din ng Sparkle artist ang kanyang karakter sa serye, kaya nagpagupit siya ng micro bangs at nag-damit ng “gothic” style.
Kasama nila sa serye sina Derrick Monasterio, Pinky Amador, Thea Tolentino, Patricia Coma, Larkin Castor, at Cai Cortez.
Kabilang din sa cast ang content creators na sina Fonzi at Toniyuh.
Abangan ang mas intense pang mga eksena sa Apoy sa Dugo mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Ashley Ortega shares behind-the-scenes moments from 'Apoy sa Dugo' set