
Napatili ang Hearts On Ice lead star na si Ashley Ortega nang mapaamin siya sa Fast Talk with Boy Abunda ng tungkol sa nakaraan nila ng aktor na si Juancho Triviño.
Matatandaan na nagkasama na noon sa ilang mga programa sa GMA sina Ashley at Juancho gaya ng InstaDad at Maynila.
Sa “Fast Talk” segment ng naturang programa, game na sumalang si Ashley kung saan tinanong siya ng TV host na si Boy Abunda kung nagkagusto na ba ang aktres sa kaniyang leading man.
“Oo o hindi, na-fall ka na ba sa leading man?” nakangiting tanong ni Boy.
Napangiti rin si Ashley sa tanong ni Boy at sinabing, “Yes.”
Agad naman na naintriga si Boy sa sagot ni Ashley at muli itong nagtanong, “Sino…sige go ahead.”
“Juancho Triviño,” natatawang sagot ni Ashley.
Dagdag pa niya, “He was my first boyfriend. I think naging out naman kami dati.”
“First love and my first boyfriend,” dugtong pa ng aktres.
Samantala, subaybayan si Ashley sa bagong sports-drama series ng GMA na Hearts On Ice, gabi-gabi sa GMA Telebabad.
Mula naman sa pagiging si Padre Salvi, muling mapapanood si Juancho sa kanyang bagong karakter sa upcoming digital series ng GMA Public Affairs na In My Dreams na pinagbibidahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.