
Masaya ang aktres na si Ashley Oretga na marami ang nakakapansin at naiinis sa kanya dahil sa ginagampanan niyang karakter sa Legal Wives na si Marriam.
Naiintindihan naman daw niya ang rason kung bakit maraming naiinis sa kanya, pero ano nga ba ang masasabi ni Ashley tungkol dito?
"Natutuwa ako, actually," pag-amin ni Ashley sa panayam ni Cata Tibayan sa 24 Oras.
"At least nagwo-work ako, nagiging effective ako as a kontrabida.
"And interesting siyang basahin. Actually, kapag wala akong ginagawa, I would really read all the comments tapos I would reply to them.
"Nagte-thank you ako sa praises nila na sinasabi nila na magaling daw akong kontrabida, effective daw ako. So I would reply to them because I really appreciate them."
Dagdag pa ni Ashley, iniidolo niya sa pagiging kontrabida sina Gina Alajar, Cherie Gil, Jaclyn Jose, at Irma Adlawan.
Mapapanood si Ashley bilang Marriam sa Legal Wives, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Balikan ang naging transformation ni Ashley mula teen star hanggang maging kontrabida sa mga larawan na ito: