
Ibinuking ni Ashley Ortega na may malaking pagkakaiba siya sa kanyang karakter bilang Angel sa Apoy sa Dugo.
Sa isang exclusive interview sa GMA Network.com, inamin ng aktres na malayo ang kanyang karakter sa serye sa kanyang tunay na personalidad bilang isang “soft girl.”
“Actually, very different. Si Angel kasi marami siyang disorders. So meron siyang, possessive siya sa mga taong mahal niya sa buhay, and meron din siyang abandonment issues. So, may mga moments talaga na pipitik siya,” paliwanag ni Ashley.
Dagdag pa niya, “And that's very different from Ashley as a soft girl.”
Dahil malayo ang kanyang karakter sa totoong buhay, ibinahagi ni Ashley na nakatulong ang pagbabago niya sa kanyang pisikal na anyo.
“Kaya, actually nakakatulong din 'yung physical appearance para makuha 'yung mga tamang emotions. Kaya ako nagpa-bangs and sinuot ko yung mga fits ni Angel,” kuwento niya.
Dahil sa kanyang paghahanda, mas naging madali para kay Ashley na gampanan ang pagiging kontrabida bilang si Angel.
“It's so easy to switch right away to your character. It's the complete opposite of me,” aniya.
Sa patuloy na puksaan nina Angel, Sylvia (Pinky Amador), at Trixie (Thea Tolentino), marami ang naaliw sa kanyang pagiging kontrabida sa serye, lalo na't patindi nang patindi ang mga eksena sa Apoy sa Dugo.
Patuloy na tutukan ang Apoy sa Dugo mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: The sexiest looks of Ashley Ortega