
Siguradong mapapatawa tayo ni Kapuso actress at former PBB housemate Ashley Ortega sa isang episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Is This Me?", gaganap dito si Ashley bilang ang suplada at matapobreng si Helena.
Maaaksidente si Helena at magigising na lang bilang si Josie, isang babaeng mahirap at walang trabaho.
Ano ang gagawin ni Helena sa pangalawang pagkakataon niya sa buhay? Kaya ba niyang mabuhay nang payak at mapagkumbaba?
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang episode na "Is this Me?," May 11, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.