
Mula sa pagiging figure skater, madre, at kontrabida, may ilang ulit nang naipakita ni Ashley Ortega ang kanyang versatility sa roles na kanyang ginagampanan. At sa pagbida niya ngayon sa upcoming film na Red Crown, isang naiibang role na naman ang gagampanan ng aktres.
"Isa sa mga role na never ko pang nagawa is joining a pageant. Pangarap ng nanay ko talaga sumali ako ng pageant dati," pagbabahagi ni Ashley sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend.
Pagbabahagi ni Ashley, minsan na siyang nakasali sa isang pageant. Dito naging klaro sa Kapuso actress kung anong pangarap ang mas gusto niyang tuparin.
"It was my first and my last. Bata pa 'ko nu'n, eh, mga 15. Pero I won the crown. Pero since I started doing showbiz, talagang in-enjoy ko 'yung pagiging actress ko," sabi ni Ashley.
KILALANIN ANG BEAUTY QUEENS AT SPARKLE STARS NA BIBIDA SA 'RED CROWN' SA GALLERY NA ITO:
Ang Red Crown ay ang upcoming satirical comedy film ng GMA Pictures na ipapalabas na sa mga sinehan ngayong October. Pagbibidahan ito ng real-life beauty queens at Sparkle stars kabilang na sina Yana Aduana, Alethea Ambrosio, Ara Arida, Herlene Budol, Skye Chua, Faith da Silva, Michelle Marquez Dee, Haley Dizon, MJ Encabo, Shuvee Etrata, Gazini Ganados, Rein Hillary, Maika Kemmochi, MJ Lastimosa, Aira Lopez, Sanya Lopez, Ahtisa Manalo, AZ Martinez, Vanessa Peña, Sandy Riccio, Jade Tecson, Tarah Valencia, Yna Angela Uy, and Yza Thalia Uy.
Kamakailan lang ay nag-viral ang Queen of the Islands pageant matapos maglabas ng candidate posters, pasarela videos, behind-the-scenes clips, at ang supposed record-breaking cash prize na Php 25 million. Maraming fans ang namili na ng kanilang mga susuportahang kandidata at bumuo ng iba't ibang spekulasyon tungkol sa naturang patimpalak.
Ngunit ang naturang pageant, fictional pala at bahagi ng promotion para sa Red Crown na magdadala sa mga manonood sa likod ng competitive at dramatic na mundo ng pageantry.