
Sa Tadhana: Due Date Part 2, naging desperado na sina Kathryn (Ashley Ortega) at Kiko (Jamir Zabarte) na maipagamot ang kanilang kapatid na si Selena (Shanelle Agustin), kaya agad nilang sinubukang mangutang sa isang online lending app.
Ang akala nilang makakatulong sa kanilang makaraos sa mga gastusin, siya pang naging dahilan ng lalong pagkalugmok nila sa patong patong na utang.
Kaya nang abutan na ng due date ang inutang na pera ni Kathryn mula sa ginamit na online lending app, nakatanggap siya ng kung ano-anong pananakot mula rito.
Paano na lang kung pati ang kaligtasan nila ay malagay sa peligro dahil dito?
Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa pagpapatuloy ng Tadhana: Due Date Part 2, ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.