GMA Logo ashley ortega and carmina villarroel
What's on TV

Ashley Ortega, kinabahan kay Carmina Villarroel sa 'Widows' Web'?

By Dianne Mariano
Published April 1, 2022 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

ashley ortega and carmina villarroel


Ayon kay Kapuso actress Ashley Ortega, unang pagkakataon niyang nakatrabaho niya si Carmina Villarroel-Legaspi sa 'Widows' Web.'

Inamin ni Kapuso star Ashley Ortega na siya'y nakaramdam ng kaba nang nalaman niyang makakatrabaho niya ang seasoned actress na si Carmina Villarroel sa suspenserye na Widows' Web.

Sa programang ito, pinagbibidahan ni Ashley ang role bilang Jackie Sagrado habang binibigyang buhay naman ni Carmina ang karakter na si Barbara Sagrado-Dee.

“At first, kinabahan ako noong nalaman ko na makaka-work ko si Ate Mina, 'Tapos nabasa ko pa 'yung script na ang dami naming sagutan, do'n ako kinabahan,” pagbabahagi niya sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Ashley Ortega and Carmina Villarroel

Ashley Ortega and Carmina Villarroel on the set of Widows' Web. / PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)

Ayon kay Ashley, ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya ang batikang aktres.

Patuloy niya, “But when I met her, she's super approachable. Super sweet, napakabait ni Ate Mina, napaka-humble. So, nawala 'yung kaba ko kasi nakikita ko na I'm super comfortable with her. She doesn't make me feel intimidated by her, talagang nakikipag-usap siya sa akin, and same goes with everybody.”

Inabot naman ng mahigit isang buwan ang lock-in taping ng kauna-unahang suspenserye ng GMA. Dahil dito, naging malapit sa isa't isa ang lahat ng cast at production team ng Widows' Web.

Kuwento ni Ashley, “Sobrang close naming lahat. Actually, 'yung buong production ng Widows' Web, from the artists to the production, to the staff, to our director, lahat kami sobrang close namin.

“That's why kahit medyo matagal 'yung lock-in taping namin, hindi kami nagkakaroon ng anxieties kasi nagdadamayan kami, nagtatawanan, puro jokes 'yung mga co-artist namin.”

Patuloy na subaysabayan ang maiinit na mga tagpo sa Widows' Web tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, silipin ang lock-in taping ng Widows' Web sa gallery na ito.