GMA Logo Ashley Ortega
Photo: ashleyortega (Instagram)
What's on TV

Ashley Ortega, magiging bahagi ng 'Lolong: Pangil ng Maynila'

By Marah Ruiz
Published April 10, 2025 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking sinisante umano dahil sa droga, tinangay ang SUV ng dating amo; nakabangga pa bago nahuli
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Mapapanood si Ashley Ortega sa upcoming episodes ng 'Lolong: Pangil ng Maynila.'

Isa si ex-PBB housemate Ashley Ortega sa mga bagong adisyon sa cast ng primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Photo: ashleyortega (Instagram)

Dumating sa set ng serye ang tinaguriang Tis-Ice Princess ng San Juan at agad siyang sinalubong ng isa sa mga direktor nitong si Rommel Penesa.

"Hello! Direk hello, kumusta? Thank you for having me," pagbati ni Ashley.

"Yes! Welcome to Lolong. Welcome, anak, sa Lolong," sagot naman si direk Rommel habang niyayakap ang aktres.

Fresh from her stint sa Bahay ni Kuya, ano kaya ang role na gagamapanan ni Ashley sa Lolong: Pangil ng Maynila?

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)


Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Lolong: Pangil ng Maynila, sanay na sa buhay sa siyudad si Lolong (Ruru Madrid).

Nagtatrabaho siya sa fish port sa umaga at isa namang armadong tauhan ng isang big time boss sa gabi.

Unti-unti niyang inuubos ang mga tauhan ni Julio (John Arcilla) bilang paghahanda sa kanyang paghihiganti.

Abangan si Ashley Ortega sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.