
Hindi dapat palampasin ang mga susunod na mga tagpo sa family drama series na Hating Kapatid, na pinagbibidahan ng Legaspi family.
Isa na rito ay ang bagong karakter na mapapanood sa naturang GMA Afternoon Prime series. Sa teaser na inilabas ng GMA Network, ipinakita na gaganap ang Sparkle actress na si Ashley Ortega bilang Angel sa Hating Kapatid.
Si Ashley ay ang girlfriend ng Sparkle actor at isa sa lead stars ng serye na si Mavy Legaspi. Sa "Unang Balita" report ni Athena Imperial kamakailan, inilahad ni Mavy na biggest fear nila ng kanyang nobya ang makatrabaho ang isa't isa.
"Biggest fear namin 'yun na makatrabaho ang isa't isa. Dahil alam namin tatawa lang kami at 'yun din ang nangyari, pero mas naging enjoyable siya. Super naging enjoyable siya dahil siyempre close si Ash sa akin and super naging madali ang trabaho," pagbabahagi ni Mavy.
Patuloy na subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Related gallery: Stellar cast ng 'Hating Kapatid,' ipinakilala sa media conference
--