
Ipi-flex na ng dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Ashley Ortega ang kanyang galing sa pag-arte at pagrampa sa GMA Primetime action-comedy series na Sanggang-Dikit FR.
Sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Lunes, October 14, inamin ni Ashley na kabado siya sa kanyang newest role. Gaganap kasi siya bilang isang beauty pageant contestant kung saan rarampa siya ng naka-two-piece.
“Ngayon kasi may parampa, e, may rampang naka-swimsuit na pang beauty queen competition so kinabahan din ako,” sabi ni Ashley.
TINGNAN ANG ILAN SA MGA FIERCEST LOOKS NI ASHLEY SA GALLERY NA ITO:
Kahit kakaba-kaba, naging malaking boost naman sa kanyang confidence ang co-stars na sina Jennylyn Mercado at Katrina Halili na nakasama niya sa eksena.
“Si Ate Jennylyn, first time ko siyang maka-work and I'm so happy na finally, nakatrabaho ko rin siya. Sobrang bait, ang bait nila, actually kahit si Ate Katrina, ang bait nilang dalawa, tawa lang ng tawa,” saad ni Ashley.
Bukod sa kanyang pag-guest sa naturang GMA Primetime series, abala na rin si Ashley sa upcoming Kapuso drama series na Apoy sa Dugo. Makakasama naman niya dito sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at Thea Tolentino.
“I'm so excited for our show kasi it's a story na hindi pa masyadong nata-tackle lagi, so I'm happy na it's their point of view already. It's about mental illness, e, kasi psychology,” sabi ni Ashley.
Panoorin ang panayam kay Ashley dito: