GMA Logo ashley ortega
Source: ashleyortega/IG
What's Hot

Ashley Ortega, mas ginanahang magtrabaho dahil sa bagong acting award

By Kristian Eric Javier
Published May 26, 2025 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rising P-pop group 1st.One to hold Asia Tour in 2026
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

ashley ortega


Puno ng pasasalamat si Ashley Ortega sa pagkilalang natanggap mula sa ikatlong Laurus Nobilis Media Excellence Awards.

Nagpasalamat si Ashley Ortega sa natanggap niyang awar sa 3rd Laurus Nobilis Media Excellence Awards 2025. Ang nakuha niyang award ay para sa pagganap niya bilang si Sister Manuella sa hit historical drama series na Pulang Araw.

Matatandaan na noong March pa ginanap ang paggawad ng award kay Ashley at iba pang Kapuso personalities. Ngunit ngayon lang nagkaroon ng pagkakataong magpasalamat ang aktres dahil nasa loob siya ng Bahay ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition noon.

Sa Instagram, nag post si Ashley ng ilang litrato hawak naturang award. Sa caption, sinabi niya, “An award just came in today, and I just wanna say thank you to The 3rd Laurus Nobilis Media Excellence Awards 2025 for this recognition!! It means so much to me when people get to appreciate the craft that I do."

Ipinahayag din niya kung gaano niya kamahal ang pagiging isang aktres at ipinangakong patuloy niyang pagbubutihin ang kaniyang craft.

Aniya, “I love being an actress and I will continue to work harder in my craft that gives me the freedom to explore all kinds of emotions."

Sa huli, binanggit din ni Ashley, “This is for you, Sister Manuela."

A post shared by Ashley Ortega (@ashleyortega)

Ang Laurus Nobilis Media Excellence Awards ay ang award-giving body ng Lyceum of the Philippines University Cavite na binibigyang pansin ang mga media icons na nagpakita ng excellence sa kanilang fields.

Bukod kay Ashley, ilang celebrities at personalities din ng GMA ang nabigyan ng award katulad nina Kuya Kim Atienza at Pia Arcangel.

Sa post ng naturang award-giving body sa kanilang social media page, sinabi nila patungkol kay Ashley, “Your inspiring dedication to your work, exceptional talent to connect with your audiences, and contribution to the Filipino media [excellence] proves you worthy of this recognition.”

Sa comments section, nakatanggap ng congratulatory messages si Ashley mula sa mga kaibigan at fans. Ang dating house guest sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition na si Ivana Alawi na nakasama niya sa loob ng Bahay ni Kuya, pinadlahan siya ng clapping emojis. Sinagot naman ito ng aktres ng heart emojis bilang pasasalamat.

Komento naman ng kapwa Sparkle star na si Lexi Gonzales, “Congratulations babe!! You deserve it so much ”

Nagbigay rin ng congratulatory message niya si Encantadia Chronicles: Sang'gre star Angel Guardian.

Related gallery: The sparkling career highlights of Ashley Ortega