What's on TV

Ashley Ortega, muling ipapamalas ang husay sa pag-arte sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published October 17, 2024 12:01 PM PHT
Updated October 17, 2024 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega in Magpakailanman


Bibida si Ashley Ortega sa isang bagong episode ng 'Magpakailanman' bilang isang babaeng may kakaibang kundisyon sa balat.

Si Kapuso actress Ashley Ortega ang bibida sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.

Patuloy siyang nakakatanggap ng mga papuri dahil sa kanyang pagganap sa GMA Prime series na Pulang Araw bilang isang madreng dinukot para maging comfort woman.

Muli niyang ipapamalas ang husay niya sa pag-arte sa bagong Magpakailanman episode na pinamagatang "Sugat Na Hindi Naghihilom: The Andrea Coleen Velasco Story."

Gaganap siya dito bilang Coleen, babaeng may scleroderma--isang autoimmune disease na nagiging sanhi ng paninigas at paninikip ng kanyang balat.

Dahil sa sakit na ito, magiging kakatwa ang panlabas niyang anyo na siya namang magiging sanhi ng matinding bullying kay Coleen.

Magagawa kaya ni Coleen na magkaroon ng confidence lalo na at walang lunas ang kanyang kundisyon?

Matapang namang nagsuot ng prosthetics si Ashley para maipakita ang pagbabagong dulot ng sakit sa mukha ni Coleen.

Bukod kay Ashley, bahagi in ng episode sina Arlene Muhlach, Ella Cristofani, Kim Perez, at Luis Hontiveros.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang natatanging pagganap ni Ashley Ortega sa brand-new episode na "Sugat Na Hindi Naghihilom: The Andrea Coleen Velasco Story," October 19, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.