GMA Logo Ashley Ortega
What's Hot

Ashley Ortega, muling mapapanood sa 'Babaeng Baboy Ramo' episode ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published April 13, 2023 2:28 PM PHT
Updated April 13, 2023 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Abangan ang natatanging pagganap ni Kapuso actress Ashley Ortega sa "Wish Ko Lang: Babaeng Baboy Ramo" ngayong Sabado.

Muling maantig sa kuwento ni Ribby sa "Babaeng Baboy Ramo" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado.

Gagampanan ni Kapuso actress Ashley Ortega ang buhay ni Ribby, isang dalaga na 'di umano'y ipinaglihi raw sa baboy ramo ng kanyang inang si Marivic (Lovely Rivero).

Nang ipanganak si Ribby ay may parte na sa mukha at leeg nito na kulu-kulubot at nangingitim kaya nasabing ipinaglihi sa baboy ramo ang dalaga.

Dahil dito, labis ang naging pag-iingat kay Ribby ng kanyang ina para hindi siya masaktan at makaiwas sa pangungutya ng ibang tao.

Sa kabila ng kakaibang anyo ni Ribby ay may binatang nagtapat ng pag-ibig dito, si Noel (Arvic Tan). Tama kaya ang naging desisyon ni Ribby na ipagtanggol sa ina ang pag-iibigan nila ng binata?

Sa paglalayas ni Ribby sa kanilang tahanan ay hindi niya inaasahang sa perya siya dadalhin ni Noel at magiging atraksyon bilang babaeng Baboy Ramo.


Huwag palampasin ang "Wish Ko Lang: Babaeng Baboy Ramo" ngayong Sabado, April 15, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

MAS KILALANIN SI ASHLEY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: