
Nag-organize ng garage sale si Ashley Ortega kasama ang celebrity besties na sina Shuvee Etrata, Roxie Smith, Skye Chua, at Sugar Mercado.
Sa Instagram, inanunsyo ni Ashley ang garage sale ng kanilang mga damit, bags, at iba pang preloved pieces na magaganap sa The Villa Studios, The Cornerhouse, San Juan ng July 25 at 26.
Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, ikinuwento ni Ashley na sobrang nag-enjoy siyang mag-shopping sa kanyang recent trip sa Vietnam, kung saan nakasama niya sina Roxie at Apoy sa Dugo co-star Elle Villanueva.
"Sobrang nag-enjoy ako mag-shopping, so mayroon akong ipo-post soon. Siguro sa garage sale ko, I will sell all my clothes for PhP250 lahat," sabi ni Ashley.
Samantala, may out-of-the-country trip ulit si Ashley next month at dito makakasama naman niya ang boyfriend na si Mavy Legaspi.
"Manonood kami ng concert. I'm looking forward to that. And right now, busy lang talaga siya sa sports niya ngayon, lagi siyang naggo-golf."
Para sa kanyang upcoming project, naghahanda na si Ashley para sa gagawing pelikula.
Panoorin ang buong interview ni Ashley Ortega sa 24 Oras dito:
Related content: