GMA Logo Ashley Ortega
Photo source: ashleyortega (IG)
What's on TV

Ashley Ortega, nagpakonsulta sa psychiatrist para sa kanyang karakter sa 'Apoy sa Dugo'

By Karen Juliane Crucillo
Published March 6, 2026 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan approves stem-cell treatment for Parkinson's in world first
ICC Appeals Chamber: Duterte to remain in detention
PropertyGuru Philippines Property Awards introduces new categories this year

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Alamin dito kung bakit dumaan sa psychiatric consultation si Ashley Ortega para paghandaan ang role niya sa 'Apoy sa Dugo.'

Achieve na achieve ni Ashley Ortega ang pagiging kontrabida sa kanyang karakter sa Apoy sa Dugo.

Sa isang exclusive interview ng GMA Network.com, ibinahagi ng aktres na sumailalim siya sa konsultasyon sa isang psychiatrist upang mas maunawaan niya ang kanyang karakter na si Angel Sangalang, na may borderline personality disorder.

“In preparation for my character, nag-usap kami ng producer, director, and mga writers, and I also talked to a psychiatrist para mapag-usapan namin kung ano 'yung disorder ni Angel, and kung ano 'yung mga behavior na ginagawa niya,” kuwento niya.

Ikinuwento rin ni Ashley na mas naging maingat siya sa pagganap sa kanyang karakter dahil tinatalakay sa serye ang usapin ng mental health.

“The show is about mental health as well, so it is something na we have to take seriously as well, kasi sensitive siya, kasi may mga tao talagang ganon na disorder, so I really have to take care of my character,” paliwanag niya.

“Kasi parang ito rin 'yung point of view nila, I mean ayun rin 'yung sinabi ko kila Direk na bilang antagonist, ayoko 'yung nagma-maldita lang siya for the away away lang,” aniya.

Dagdag pa niya, “Parang sabi ko game naman na magkaroon ng mga breakdowns si Angel. Basta may pinanggalingan para makita rin ng mga tao 'yung mga taong pinagdadaanan 'yun. Meron talaga silang pinanggagalingan and may mga trigger moments sila.”

Patuloy na subaybayan si Ashley sa Apoy sa Dugo mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, tingnan dito ang iba pang celebrities na mental health advocates: