GMA Logo Ashley Ortega
What's on TV

Ashley Ortega, nagpasalamat sa magandang feedback sa 'Pulang Araw'

By Marah Ruiz
Published October 16, 2024 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Nagpasalamat si Ashley Ortega sa mga papuri ng mga manonood ng 'Pulang Araw.'

Bumuhos ang papuri para kay Kapuso star Ashley Ortega dahil sa pagganap niya bilang madre na naging comfort woman sa Pulang Araw.

Ipinamalas ni Ashley ang husay niya sa pag-arte bilang Sister Manuela, isa sa mga babae na nasa tinaguriang "comfort women house."

Please embed: 1, 2, 3, 4, 5
Alt text: Praises for Ashley Ortega in Pulang Araw

Pati mga celebrity friends ni Ashley, nag-iwan din ng magagandang komento tungkol sa kanyang acting performance.

Please embed: barbie sugar, roxie lexi, shuvee
Alt text: Ashley Ortega's celebrity friends

Lubos ang pasasalamat ni Ashley sa mga patuloy na nanonood ng serye at nagbibigay sa kanila ng magagandang feedback.

Nagbahagi pa siya ng ilang mga behind-the-scenes photos kasama ang co-stars na sina Sanya Lopez, Rochelle Pangilinan, Angellie Nicholle Sanoy, at iba pang mga aktres na gumaganap bilang comfort women.

"An update of what's happening behind the scenes. Forever grateful for all the good feedback from our viewers and netizens," sulat ni Ashley sa Instagram.

Naiintindihan din daw ng aktres na mabigat panoorin ang mga eksena ng karahasan sa mga kababaihan sa panahon ng digmaan, pero para kay Ashley, mahalaga pa ring ilahad ang madilim na bahaging ito ng ating kasaysayan.

"Alam ko pong ang hirap panoorin pero mahalaga sa amin na isalaysay sa ating mga kababayan ang pinagdaanan ng ating mga comfort women noong panahon ng pagsakop ng mga Hapon. Oras nang marinig at malaman ang kanilang istorya," pagpapatuloy niya.

A post shared by Ashley Ortega (@ashleyortega)

Marami pang pagdadaanan ang karakter ni Ashley na si Sister Manuela, pati na ang iba pang comfort women sa Pulang Araw.

Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Maaari din itong panoorin online sa Kapuso Stream.