
Nasaksihan sa "Wish Ko Lang: Abusada" noong Sabado (June 17) ang perwisyong naranasan ni Rowena simula nang patuluyin ang kaibigang si Melanie sa kanyang bahay.
Matapos umano niyang bigyan ito ng matitirhan ay nagawa pa raw siyang abusuhin ni Melanie. Hindi na raw nakakabayad ng upa sa bahay, nag-aaksaya pa ito ng tubig at kuryente. Hindi rin daw marunong mahiya ang huli sa pagkuha ng mga paninda ni Rowena.
"Lumulubog na ako sa kahihiyan dahil nagtataka ako, may-ari ako ng bahay pero parang kung utusan niya ako parang iba na," kuwento ni Rowena sa Wish Ko Lang.
Para matulungan si Rowena, kasama ang Hearts On Ice actress na si Ashley Ortega, inilapit ng programa sa isang barangay official ang sitwasyon ni Rowena.
Nagbigay rin ng financial assistance ang Wish Ko Lang para kay Rowena. Kasama naman sa negosyo packages na handog ng programa ang e-load business, merienda business, beauty and perfume products na pwedeng pang-online selling, at coffee business.
Sinamahan na rin ito ng Wish Ko Lang ng bagong home appliances at books and study table para sa anak ni Rowena. Hindi rin mawawala ang Wish Ko Lang Savings, tulong na pinansyal ng programa para sa pamilya ni Rowena.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
TINGNAN ANG MASAYANG BUHAY NI NADINE SAMONTE SA GALLERY NA ITO: