
Nilinaw ni Ashley Ortega na maganda ang relasyon niya ngayon sa kapwa Kapuso actress na si Kyline Alcantara, gayundin sa mga magulang ng boyfriend niyang si Mavy Legaspi na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
Matatandaan na naging girlfriend ni Mavy si Kyline sa loob ng dalawang taon, bago sila nag-break noong 2023.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, February 10, inamin ni Ashley na ang relasyon nila ni Mavy. Ayon sa aktres, nagkamabutihan sila ng aktor noong nakaraang taon, ngunit nilinaw na iyon ay matapos ang break up nila ni Kyline.
Tanong ni King of Talk Boy Abunda, “Nag-usap na ba kayo ni Kyline?”
“Actually, yesterday [Sunday], I was with her kasi nag-All-Out Sundays kami and we're okay, nag-hi-hello kami, ganu'n,” sagot ni Ashley.
Sinabi rin ng aktres na wala na silang pinag-usapan pa ni Kyline ukol dito, at inulit na, “We're good naman, no beef.”
BALIKAN ANG PAGKUKWENTO NI ASHLEY TUNGKOL SA RELASYON NILA NI MAVY SA GALLERY NA ITO:
Samantala, pagdating naman sa pamilya ni Mavy, sinabi ni Ashley na very welcoming sa kanya ang mga magulang ng binatang aktor na sina Carmina at Zoren, na parehong nakatrabaho na niya noon. Nakasama ni Ashley si Carmina sa GMA Prime series na Widows' Web (2022), habang si Zoren naman ay nakatrabaho niya sa Sahaya (2019).
“I've worked with Tita Mina na before, nag-locked in taping kami for two months. Si Tito Zoren also, I've worked with him before, he became my dad. But when me and Mavy were hanging out na, Mavy introduced me to them,” sabi ng aktres.
Sa katunayan, sabi ni Ashley, inimbitahan pa siya nina Carmina at Zoren sa Christmas Dinner nitong 2024.
“Mababait po sila, and Cassy also,” saad ni Ashley.