
Mapapanood ang Sparkle star na si Ashley Ortega sa family drama series na Hating Kapatid, na pinagbibidahan ng Legaspi family.
Sa naturang serye, makikilala ang karakter ni Ashley na si Angel, na role ng aktres sa upcoming GMA drama series na Apoy Sa Dugo.
Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, magkahalong awkwardness at kaba ang unang naramdaman ni Ashley nang makatrabaho ang boyfriend na si Mavy Legaspi.
"Una, may kaunting awkwardness tapos medyo kinabahan din ako kasi first time naming magka-work. Pero habang tumatagal naman, nagiging okay na. And of course, working with someone you love, it makes you feel like home," pagbabahagi niya.
Ayon pa sa aktres, malayo ang kanilang karakter ni Mavy sa kung sino sila sa totoong buhay. Mayroon pang daring na eksena ang real-life couple sa serye.
Aniya, "Magpapalapit na 'yung mukha namin, nag-cut. Sabi namin, 'Direk, sorry wait lang.' Hindi kaya mag-seryoso.
"Seryoso kasi 'yung mga lines. E sa totoong buhay, nagbibiruan lang kami lagi. So kaya siguro kami natatawa."
Natutuwa naman si Mavy na nakasama ang kanyang nobya sa pinagbibidahan niyang serye.
Aniya, "I'm so happy na siya 'yung napili at siya 'yung nag-guest dito sa Hating Kapatid kasi siyempre no need for any chemistry work or whatsoever. At super excited ako kasi makikita ko na 'yung character niya sa upcoming show niya."
Panoorin ang "Chika Minute" report sa video sa ibaba.
Patuloy na subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Related content: Ashley Ortega and Mavy Legaspi are happy and in love in their sweetest photos