GMA Logo Ashley Ortega
PHOTO COURTESY: ashleyortega (Instagram)
What's Hot

Ashley Ortega, puspusan ang paghahanda para sa 'Apoy Sa Dugo'

By Dianne Mariano
Published January 30, 2026 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: February 4, 2026
Surigao del Sur mayor, aide survive kill attempt
RUNRIO exec Andrew Neri believes marathons can help boost Philippine tourism

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Ano kaya ang paghahanda ng Sparkle actress na si Ashley Ortega para sa kanyang pagbibidahang serye na 'Apoy Sa Dugo'?

Bibida ang Sparkle star na si Ashley Ortega bilang Angel sa upcoming GMA drama series na Apoy Sa Dugo kasama sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, labis ang paghahanda ni Ashley para sa kanyang role na very challenging daw dahil mayroon itong mental disorder.

"Kumausap din kami ng mga writers, ng psychiatrists, para malaman namin kung ano'ng klaseng disorder na meron siya, para accurate pa rin. Kasi siyempre, if you talk about mental health, medyo sensitive 'yon lalo na sa mga taong merong gano'n talaga," pagbabahagi niya.

Bago ito, mapapanood ang role ni Ashley bilang Angel sa GMA Afternoon Prime series na Hating Kapatid, kung saan nakatrabaho niya ang real-life boyfriend na si Mavy Legaspi.

Ayon sa former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate, magkahalong kaba at awkwardness ang naramdaman niya noong una nang maka-eskena ang kanyang nobyo.

Kwento niya, "Una, may kaunting awkwardness tapos medyo kinabahan din ako kasi first time naming magka-work. Pero habang tumatagal naman, nagiging okay na. And of course, working with someone you love, it makes you feel like home."

Samantala, kabilang din sa cast ng Apoy Sa Dugo sina Thea Tolentino, Pinky Amador, Ricardo Cepeda, Cai Cortez, at content creator na si Fonz.

Panoorin ang "Chika Minute" report sa video sa ibaba.