
Marami pa ring netizens at fans ang nagtutulak kay Ashley Ortega na sumali sa mga beauty pageant. Sa katunayan, marami rin ang nagtatanong kung bakit hindi pa niya subukan.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, September 26, inamin ni Ashley na nape-pressure siya tuwing may nagtatanong o nagsasabi na sumali na siya sa beauty pageants.
“I joined before, nanalo ako ng crown, pero feeling ko talaga it's not for me, Tito Boy, because I love being an actress, acting is my passion,” pagbabahagi ni Ashley.
Pinasalamatan din ni Ashley ang mga taong nakakakita ng kaniyang potential sa beauty pageants, at sinabing flattered siya sa pagkilala nila sa kaniya.
“But I just feel like it's not for me kasi sa life ko ngayon, I know my priorities, I know what I want,” sabi ni Ashley.
TINGNAN ANG ICONIC LOOKS NG ILAN SA ICONIC CELEBRITY BEAUTY QUEENS SA GALLERY NA ITO:
Sa halip na beauty queen, mas gusto umano ng Sparkle 10 actress na maging isang versatile at respected actress, at kalaunan ay maging isang icon. Sabi pa ni Ashley, “I want to die an actress.”
Pero sa kabila ng kaniyang pangarap, marami ring tinamasang rejections si Ashley, lalo na sa kaniyang karera bilang isang figure skater. Kuwento ng aktres, may mga pagkakataon na natatalo siya sa competitions, o kaya naman ay hindi niya nakukumpleto ang kaniyang routine o performance.
“I would fall, mga routines, nadadapa ako, but at the same time, of course, I have to come back stronger. Even sa showbiz career, sobrang tagal ko na sa industriya, kung napapaisip ba ako na I want to give up, honestly, never,” sabi ni Ashley.
Iniiyakan din daw ni Ashley noon ang mga rejections niya sa figure skating at sa pag-arte. Ngunit ngayon, masasabi niyang hindi na siya ganu'n. Nalulungkot man siya, hindi naman niya sinusukuan ang mga bagay-bagay.
“Ayoko kasi magtimpi ng sobra so I would allow myself to feel sad about it na 'Okay, hindi ako nakuha.' But at the same time, I would move on right away. Parang napapagod ako, but I would never give up because I really love what I do,” sabi ni Ashley.
Panoorin ang panayam kay Ashley rito: