
Ready na si Ashley Ortega sa pagdalo sa GMA Gala 2025 na gaganapin ngayong gabi, August 2, sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.
Sa kaniyang latest post sa Instagram, ibinahagi ni Ashley ang kaniyang pre-pictorial snaps para sa much-awaited event ng GMA Network.
All-glammed up ang Sparkle star habang nakaupo at nakabalot sa isang champagne-colored na tela.
“Dripping in glam, wrapped in calm. I'll see you at the GMAGala2025,” sulat niya sa caption ng kaniyang Instagram post.
Kaugnay nito, napa-comment ang mommy ni Mavy Legaspi na si Carmina Villarroel sa pasilip ni Ashley sa kaniyang look para sa event.
Sabi ni Carmina kay Ashley, “Ganda! Effortless [fire emoji].”
"Mana sa'yo, Tita," sagot naman ni Ashley sa komento ng mommy ng kaniyang partner.
Bukod kay Ashley, may pasilip din sa kanilang looks ang kapwa niya ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina Shuvee Etrata, Charlie Fleming, at AZ Martinez.
Abangan ang pagrampa ng Sparkle star sa red carpet ng GMA Gala 2025.
Samantala, si Ashley ay naging parte ng teleserye ng totoong buhay ng mga sikat bilang Independent Tis-ice Princess ng San Juan, at ang Kapamilya star na si AC Bonifacio ang huling naka-duo niya bago siya lumabas ng Bahay Ni Kuya.
RELATED GALLERY: BONDING MOMENTS NG EX-PBB CELEBRITY COLLAB EDITION IN THE OUTSIDE WORLD