GMA Logo Ashley Ortega
Photo source: ashleyortega (IG)
What's Hot

Ashley Ortega, thankful sa birthday party na inihanda ng kanyang fans

By Karen Juliane Crucillo
Published December 23, 2025 6:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Ashley Ortega sa kanyang surprise birthday party: “Sobrang nostalgic.”

Bukod sa holiday season, may extra kilig para kay Ashley Ortega matapos ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa isang espesyal na birthday party na handog ng kanyang fans.

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Lunes, December 22, ibinahagi ng Apoy sa Dugo actress na thankful siya sa sorpresa ng kanyang fans para sa kanyang 27th birthday, kahit na sa December 26 pa ang kanyang kaarawan.

“Talagang sinurprise nila ako today, and sobrang nostalgic ng feeling,” sabi ni Ashley.

Ibinahagi ng Sparkle artist na ngayon na lamang siya muling nagkaroon ng malaking selebrasyon para sa kanyang kaarawan.

“Kasi 'yung last time, feeling ko nga first and last 'yung nag-party ako ng malaki was my debut,” kuwento ng aktres.

Sa Instagram post, ibinahagi ni Ashley ang ilang larawan mula sa kanyang surprise birthday party at nagpasalamat sa kanyang fans.

“A 27th birthday celebration I didn't expect from my fans. You guys made me laugh, cry, smile, and felt really loved. Saying thank you is not enough for preparing something really beautiful,” sabi ni Ashley sa caption.

Dagdag pa niya, “I wouldn't be in my position right now if it weren't for your unconditional support @ashloversph @ashlovers_ofc & ashvee! Mahal na mahal ko kayo, and I will continue to be an inspiration and a role model to people. You guys have been a highlight in my showbiz career.”

A post shared by Ashley Ortega (@ashleyortega)

Mapapanood si Ashley sa upcoming psychological drama series na Apoy sa Dugo, kung saan makakasama niya sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Thea Tolentino, Pinky Amador, at Ricardo Cepeda.

Bida rin siya sa 2025 MMFF horror film na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, na mapapanood na simula December 25.

Panoorin dito ang buong panayam ni Ashley:

RELATED GALLERY: The sexiest looks of Ashley Ortega