GMA Logo ashley ortega
What's on TV

Ashley Ortega weighs in on best friends having couple tattoo

By Kristian Eric Javier
Published February 11, 2025 2:35 PM PHT
Updated February 11, 2025 4:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lapsag nga babaye, nakita nga ginsab-it sa garahe sa Santa Barbara, Iloilo | One Western Visayas
Hontiveros: 2028 polls, etc tackled in ‘Tropang Angat’ dinner
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

ashley ortega


Sinagot ni Ashley Ortega kung ano ang gagawin niya kung sakaling makitang may matching tattoo si Mavy Legaspi at ang babaeng best friend nito.

Malaking katanungan para kay Ashley Ortega ang pagkakaroon ng matching tattoo ng isang lalaki, na may karelasyon, at ng babaeng best friend nito.

Matatandaan na kamakailan lang ay nag-post ang dating aktres na si Andi Eigenmann ng kaniyang saloobin tungkol sa kaibigan nila ng asawang si Philmar Alipayo. Aniya, hinikayat ng kaibigan nilang babae ang kaniyang asawa na magpa-love couple tattoo sila nang hindi alam ng dating aktres.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, February 10, tinanong ni King of Talk Boy Abunda ang opinyon ni Ashley tungkol sa isyung ito.

Para sa aktres, kukuwestyunin niya ito, ngunit nilinaw niyang hindi siya mang-aakusa ng kahit sino, “Siguro I will question it and I feel like I have the right to question din naman and siguro I'll hear their explanation.”

Ayon sa aktres, tatanungin niya muna ang kaniyang partner tungkol sa nasabing tattoo bago niya tanungin ang babae tungkol dito.

“Kasi, parang hindi mawawala 'yung praning sa 'yo, you're anxious every day, e, so I'll question it and set boundaries,” sabi ni Ashley.

Saad pa ng Pulang Araw actress, “I think it's important to have respect and trust. Kasi, if you don't have respect and trust, du'n kasi 'yung nagkaka-anxieties and everything. Pero siguro sa ganu'n, it's better kung pinaalam sa 'yo, sana nagpaalam.”

TINGNAN ANG ILAN SA MGA CELEBRITIES KASAMA ANG KANILANG BFFS SA GALLERY NA ITO:

Sa parehong episode ay inamin na ni Ashley na in a relationship na sila ni Mavy Legaspi.

Kaugnay nito, tinanong ni Boy kung papayag siyang magkaroon ng bestf riend na babae si Mavy at kung papayag ang aktor na magkaroon din siya ng best friend na lalaki.

Sagot ni Ashley, “With me, with Mavy, I think payag naman ako as long as alam ni ate girl kung saan siya lulugar."

Pagsingit ni Boy, "Boundaries."

Tugon naman ni Ashley, "Yes, boundaries, and as long as alam din ni Mavy na I won't get anxious about it.”

Pahabol na tanong ng Fast Talk host, “One day, may matching tattoo ang best girl friend at si Mavy. Ano ang gagawin ni Ashley?”

Natatawang sagot ng aktres, “Parang ibang usapan naman na 'yon."

Pagpapatuloy ni Ashley, “I think, tulad ng sagot ko kanina, I think I'm gonna question him and sasabihin ko, 'What's the meaning of this? Ba't may pa-matching tattoo?' Pero 'yun, I'm just gonna question him first, but I won't accuse him right away.”

Panoorin ang pag-amin ni Ashley tungkol sa relasyon nila ni Mavy rito: