
Isa na namang terrrific Tuesday sa masayang noontime show na It's Showtime.
Umpisa pa lang ng programa, uminit na ang stage nang ipinamalas ng Kapuso star Ashley Rivera ang kaniyang dance moves kasama ang dance crew na Legit Status.
Ayon sa actress, "I feel so much pressure right now, kasi mga sayaw ko mga budots-budots lang pero nabigyan ako ng opportunity na mag dance prod(uction)."
Nang ipinamalas ulit ni Ashley ang kaniyang dance moves, biniro ng mga host na gusto rin matuto ni Anne Curtis ang ganiyang mga sayawan.
Ayaw na siya lang mag-isa, sinabi ni Anne, "Feeling ko Kimmy (Kim Chiu) gusto mo ko sabayan."
Natuwa ang lahat nang ipinamalas ng tatlong stars ang kanilang budots moves. Pero mas lalong nagkagulo nang nag-sample rin si Amy Perez ng kaniyang dance floor skills.
Biro pa ng mga host, "Ba't parang 'yung kay tiyang pang-tribal?"
Malapit nang mapapanood si Ashley kasama ang Filipino actor na si Jerald Napoles sa bagong movie na 10 Utos kay Josh. Makikita rin ang aktres bilang si Petra Mahalimuyak sa kaniyang social media accounts ka gaya ng Facebook at YouTube.
Mapapanood ang programang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA,GTV, at iba pang Kapuso platforms.
SAMANTALA, TINGNAN ANG KAPUSO STARS NA BUMISITA AT NAKISAYA SA IT'S SHOWTIME SA GALLERY SA IBABA